12 NA GURO NASAGIP SA NASIRANG TULAY SA ORMIN.
Nailigtas ng mga awtoridad ang 12 na guro na stranded nang masira ang bamboo bridge dahil sa pagtaas ng tubig sa Bongabog River sa Oriental Mindoro noong Huwebes, Agosto 20.
Wala namang nasaktan sa insidente at agad silang dinala sa MDRRMO Operations Center sa Brgy. Sagana upang bigyan ng karagdagang tulong.
Matatandaan na ang tulay ay binisita pa ni DPWH Sec. Vince Dizon noong Pebrero para sa planong concrete bridge.
📸: MDRRMO Oriental Mindoro


