Makikipagpulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa National Telecommunications Commission (NTC) upang pag-usapan ang posibilidad ng pag-block sa Roblox at kauri nito.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, pinagpaplanuhan ng ahensya ang pagtatanggal sa Roblox maging iba pang games na may chat features. Dahil umano ito sa posibilidad na may ilang mga chat groups ang nag-iimpluwensya ng maling kaisipan sa mga kabataan.
Nakatakdang magpulong ang DILG at NTC sa susunod na linggo.


