Nakumpiska ng mga pulis sa isang Grade-10 student ng Francisco Ramos National High School sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay ang isang pellet gun, ngayong Agosto 20 ng umaga.
Ayon sa Hepe ng Kabasalan Municipal Police station na si Police Major Christopher Singson, nagdulot ng takot sa ilang estudyante, guro at magulang ang insidente na agad nilang nirespondehan
Paliwanag daw ng estudyante, gagamitin nila ito role playing activity ang nasabing Toy Gun. Sa ngayon, balik na raw sa normal ang sitwasyon sa paaralan at hindi rin sinuspinde ang klase. | via Mar Gabriel

