Base sa data ng Office of Civil Defense, nasa 29 katao na ang nasawi dahil sa mga nagdaang Bagyong Luis at Maymay na lalong pinalakas ng habagat.
Samantala, nasa 15 katao ang nasawi sa Benguet, tig-apat sa Rizal at Batangas, habang dalawa naman sa Caloocan, at tig-isa sa La Union, Oriental Mindoro, Negros Occidental, at Quezon.
Aabot naman sa P4.6 milyon ang tinatayang halaga ng infrastructure damage, habang P1.4 milyon naman sa agricultural damage.


