Nakuha umano ng 14-anyos na Grade 9 student ang mga baril mula sa sasakyan ng kaniyang ama bago ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), kabilang dito ang isang Glock 22 .40-caliber at Glock 9mm pistol.
Hindi umano na-check ng mga guwardiya ang bag ng estudyante bago pumasok sa campus dahil nasa loob ito ng sasakyan.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril, kabilang ang mga ulat tungkol sa pressure sa pag-aaral at umano’y bullying.



