Kasunod ng mga ulat na nag-recant na rin ang dating security aide ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na si Orly Guteza, sinabi ngayon ng Ombudsman na may 28 pa silang testigo laban kay dating Speaker Martin Romualdez.
Ani Ombudsman, hindi na raw bago ang recantation o pagbaligtad ng mga testigo, pero hindi raw umiikot ang kanilang imbestigasyon sa isa o iilang witness. | Via Tjay Mendoza


