Hindi humingi ng paumanhin si PCO Usec. Claire Castro sa mga guro hinggil sa pahayag niya na “sila minsan ang nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung paano maging walang modo.”
Umalma ang mga guro sa naturang pahayag ng tagapagsalita ng pangulo.
“Siguro po ang dapat na magbigay ng paumanhin ay ‘yung nagbigay ng maling konteksto sa ating sinabi,” paninindigan ni Castro.
📷: PCO

