Nagpasalamat si Senador Robin Padilla sa kaniyang “kaibigan” na si SILG Jonvic Remulla sa pagkumpirma umano nito sa batas na ipinangalan sa kaniya.
Kasunod ito ng panawagan ni Remulla sa mga mambabatas na amyendahan ang “Robin Padilla” law para gawing non-bailable muli ang ilegal na pagmamay-ari ng armas.
Ayon kay Remulla, 98% ng mga krimen gamit ang baril ay ginagawa gamit ang loose firearms.
Sinabi ni Remulla na ang pag-rebisa ng nasabing batas ay humantong sa pagdami ng mga krimen na may kaugnayan sa mga baril.

