Maaaring isama sa kasong plunder ang apat na dating bodyguard umano ni Zaldy Co.
Ayon sa Ombudsman, posibleng maging respondent sila sa kaso kung hindi sila magiging mga testigo, dahil bahagi umano sila sa paghahatid ng bilyun-bilyong pisong sangkot sa katiwalian.
Ito ay matapos bawiin ng apat ang kanilang naunang affidavit na naghatid sila ng mga maleta ng pera sa ilang personalidad, kabilang si dating House Speaker Martin Romualdez.
