Umabot sa 1,255 sako ng basura ang nakolekta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa 27 daluyan ng tubig sa Metro Manila.
Kasunod ito ng malalakas na pag-ulan dulot ng habagat mula pa noong nakaraang linggo.
Bukod sa patuloy na cleanup operations, mayroon ding 196 trash-trap sites ang DENR sa iba’t ibang lungsod na humaharang sa mga lumulutang na kalat bago ito makarating sa iba pang daluyan ng tubig.
Hinimok naman ng ahensya ang publiko na itapon nang tama ang kanilang mga basura at huwag itong ilagay sa mga drainage system.
📷: Parañaque City Government
