Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang publiko na magmalasakit at iwasang magpakalat ng sensitibong impormasyon tungkol sa kamakailang pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City na ikinasawi ng dalawang estudyante.
Hiniling ng ahensya sa publiko, maging sa media, vloggers, at content creators, na huwag mag-post o magbahagi ng mga larawan, video, at iba pang sensitibong materyal na maaaring makadagdag sa sakit at trauma.
Nanawagan din ang DepEd na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon online habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
