Iminungkahi ni Cabinet Secretary Benhur Abalos ang pagpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa paggamit ng social media lalo na sa mga menor de edad.
Kasunod ito ng nangyaring school shooting sa Zamboanga City.
Personal na nagtungo si Abalos sa Ateneo De Zamboanga University Junior High School campus ngayong umaga, Agosto 20, para kamustahin ang sitwasyon at personal na ipaabot ang pakikiramay at simpatya sa mga biktima. | via Mar Gabriel
