Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱1.855 bilyong dagdag na pondo para sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa halagang ito, ₱1.040 bilyon ang para sa mga serbisyong medikal, habang ₱800 milyon naman ang para sa Zero Balance Billing. May ₱15 milyon ding inilaan para sa mga pasyenteng may Dystonia-Parkinsonism o Lubag Syndrome.
Ayon sa DBM, layunin ng dagdag na pondo na mabawasan ang gastusin ng mga pamilya sa pagpapagamot at matiyak ang patuloy na serbisyong medikal sa PGH.
📸: PGH

