Imumungkahi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na magpatupad ng total ban sa online game na Roblox matapos ang ikalawang insidente ng school shooting sa bansa.
Sabi ni Remulla, bayolente ang nasabing online game at naka-link din ito sa dark web. Nais din ni Remulla na magkaroon ng mas mahigpit na Gun Control Law sa bansa kasama na ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga mahuhulihang ng loose firearms. | via Mar Gabriel

