Pina-impound ng Land Transportation Office (LTO) ang supercar na naka-register sa aktor na si Derek Ramsey dahil gumagamit umano ito ng pekeng license plate habang bumibiyahe sa kalsada.
Ayon kay LTO Assistant Sec. Marcus Lacanilao, na-ispatan ang sasakyan ni Ramsey na gamit ang isang plate number na hindi inisyu ng LTO.
Kinakailangan i-impound ang sasakyan nito upang ma-verify ang mga papeles ng sasakyan at malaman nila kung dumaan ba sa tamang proseso.
Isinailalim naman sa 90 araw na preventive suspension ang driver’s license ng driver nito.
📸: LTO
