Tinukoy ng pamahalaan ang nasa 30 lugar sa Metro Manila para pagtayuan ng malalaking rain-catchment structures na makatutulong sa pagbawas ng problema sa pagbaha sa rehiyon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang dito ang Camp Aguinaldo at Miriam College sa Quezon City, pati ang Plaza Rajah Sulayman at Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Pinag-aaralan din ng pamahalaan ang paggamit ng ilang parke at open spaces bilang pansamantalang imbakan ng tubig kapag malakas ang ulan. Target na maipatupad ang ilan sa mga proyekto bago ang tag-ulan sa susunod na taon.

