Arestado ang isang lalaki nang manghalay umano sa 15-anyos na anak ng kaniyang kaibigan sa Sariaya, Quezon.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa bahay ng biktima ang suspek at naglalaro sa kaniyang cell phone. Pumasok ng kwarto ang biktima upang matulog, ngunit makalipas ang ilang oras ay pumasok ang suspek at dito na umano ginawa ang krimen.
Nahaharap sa kasong sexual assault ang suspek.
📹: via Martin Banaag
📷: Sariaya MPS

