Natabunan ng buhangin ang dalawang bahay sa San Marcelino, Zambales dahil sa malakas na hampas ng tubig ng Sta. Fe River.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Head Arsenio Edar Mauricio III, naging catch basin ang ilang bahagi ng residential compound sa lugar dahil sa malakas na river current na may dalang buhangin at latak.
Nasa sampung kabahayan ang napinsala sa Brgy. Sta. Fe. Wala namang napaulat na nasawi sa insidente.
📸: San Marcelino PIO



