Nakuha ng isang guro ang .357 calibre ng revolver mula sa kaniyang 14-anyos na estudyante sa Pinamungajan, Cebu nitong Agosto 20.
Nagsagawa ng surprise inspection ang guro bilang precautionary safety measure at dito niya nakita sa loob ng bag ng estudyante ang armas.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pagmamay-ari ng lolo ng bata ang naturang baril. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang bata.
📸: Contributed photo



