Nanindigan si Senador Rodante Marcoleta na maaari pa rin siyang bumoto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit nahaharap ito sa kasong plunder.
Sa isang 16-pahinang liham, sinabi niyang wala hadlang sa kaniyang legal na karapatang bumoto bilang senator-judge. Hindi siya isinailalim sa preventive suspension, at hindi rin nagbitiw sa puwesto, o nawalan ng kakayahang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang senador.
Sinuportahan din ni Marcoleta ang 16-vote threshold para mahatulan si VP Sara.
Nasa Quezon City Jail si Marcoleta dahil sa umano'y pagtanggap ng ₱75 milyon na hindi idineklarang campaign donations.



