Nais ng ilang senador na Supreme Court (SC) ang magpasya kung ilang boto ang kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment case.
Ipinunto nina Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo na mas mainam umanong korte ang magbigay-linaw sa 16-vote threshold, lalo na’t may ilang senador na hindi nakadadalo sa mga pagdinig.
Kabilang dito sina Sen. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada, na may kinakaharap na kaso; Sen. Ronald Dela Rosa, na may arrest warrant mula sa ICC; at Sen. Loren Legarda, na nasa ibang bansa dahil sa medical leave.
Nakatakda sa Setyembre 23 ang oral arguments ng Senate impeachment court sa isyu. Makakasama nila ang mga legal expert, kabilang ang mga dating Chief Justice at Associate Justice.


