Ni-raid ang dalawang drug den sa Northern Mindanao kung saan pito ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bukidnon at Misamis Occidental.

Sa Manolo Fortich, Bukidnon, tatlong suspek ang naaresto at nakumpiska ang 10.64 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng ₱72,352, kasama ang tinatayang 17.48 gramo ng dried marijuana leaves, stalk, at fruiting tops na nagkakahalaga naman ng ₱2,097.60.

Samantala, apat naman ang naaresto sa Oroquieta City, Misamis Occidental, kung saan nasabat ang tinatayang pitong gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng ₱47,000.

Nahaharap sa kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang pitong suspek. | via Laura Pobadora
📸: PDEA10


