Umabot na sa ₱4.38 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa habagat at mga nagdaang bagyo. Nagdulot ang mga ito ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinakamalaki ang pinsala sa mga palayan na umabot sa ₱2 bilyon. Sumunod ang mga gulay at iba pang high-value crops na may ₱1 bilyong pinsala, habang nasa ₱500 milyon naman ang pinsala sa sektor ng pangingisda.
Dahil sa pagkasira ng mga pananim, tumaas ng ₱20 hanggang ₱40 ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan.
📷 Warren Marcos

