BABAE, PINATAY NG PINSANG HINDI PINAUTANG.
Nasawi ang isang babaeng nursing student matapos umanong sakalin ng kaniyang pinsan sa San Antonio, Nueva Ecija, matapos siyang hindi pautangin ng ₱5,000.


Una umanong itinawag bilang suicide ang insidente, ngunit nagduda ang pulisya matapos matuklasang nawawala ang cellphone ng biktima at nakita ito sa kaniyang pinsan. Kalaunan, umamin ang suspek sa pagpatay.
Ayon sa suspek, nagtalo sila matapos siyang hindi pautangin ng biktima. Sinabi rin niyang nagawa niya ang krimen dahil sa kalasingan at matinding galit.
📸: San Antonio Police


