MOTORCYCLE RIDER, NAKUMPISKAHAN NG BARIL AT SHABU.

Arestado ang isang 29-anyos na motorcycle rider matapos tumakas sa checkpoint at maabutan ng mga pulis sa Maharlika Highway, Barangay Bukal Sur, Candelaria, Quezon.


Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na walang serial number, dalawang bala, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu. Nasa kustodiya na siya ng pulisya. | via Martin Banaag
📸: Candelaria MPS


