"THE PROSECUTORS WILL STRONGLY OPPOSE THE MOTION."
Mariing tututulan ng prosecutors ang mosyon ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na ilipat siya sa hospital custody, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Hihiling umano ang prosecution ng isang team ng government doctors upang magsuri sa kondisyon ni Romualdez at matukoy kung kinakailangan ba ang confinement sa ospital o maaari namang gamutin ang kaniyang mga karamdaman kahit wala sa pagamutan.
Kung mapatunayang hindi na kailangang ma-confine, igigiit ng prosecution na agad siyang ilipat sa regular detention facility, gaya ng ibang akusado sa mga kasong hindi maaaring piyansahan. | via TJay Mendoza
