Muling binuksan sa publiko ang lahat ng lane sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa San Simon, Pampanga matapos makumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Phase 1 ng mga hakbang kontra-baha.
Naglagay ang ahensya ng steel sheet piles sa mga delikadong bahagi ng San Simon at Tulaoc Bridge upang mapigilan ang pag-apaw ng ilog sa tollway.
Kasunod ito ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat na nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Manila Bay.
📸: NLEX Corp., DPWH
