Isinailalim sa yellow rainfall warning ang Zambales, Bataan, Metro Manila, Pampanga, at Bulacan ngayong Miyerkules ng umaga, Setyembre 9, dahil sa banta ng mga pagbaha dulot ng pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, asahan ang mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan sa Rizal, Nueva Ecija, at Laguna sa susunod na tatlong oras.

Samantala, nararanasan ang parehong lagay ng panahon sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, at Quezon.
