Umabot na sa 22 katao ang nasawi dahil sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Sa datos ng ospital hanggang Setyembre 7, nasa 72.7% ay nakaranas ng pagdurugo sa baga, na isa sa pangunahing dahilan ng kanilang pagkamatay.
Samantala, iniulat ng Department of Health na umakyat na sa 6,253 kaso ng leptospirosis sa buong bansa at posible pa itong tumaas dahil sa malawakang pagbaha dulot ng mga pag-ulan.
📸: San Lazaro Hospital
