Sinabuyan ng bleach at sabong panlaba ng isang fish vendor ang kaniyang mga panindang isda matapos sitahin at kumpiskahin ng mga awtoridad ang mga ito dahil sa ilegal na pagtitinda sa bangketa sa Basista, Pangasinan.
Ayon sa ulat, nakiusap umano ang vendor na magbayad na lamang ng multa at maibalik ang kaniyang mga isda, ngunit hindi ito pinagbigyan. Dahil dito, binuhusan na lamang niya ng bleach at sabon ang paninda upang hindi na mapakinabangan sa gagawing kumpiskasyon.
Ipinaliwanag ng mga awtoridad na ipinagbabawal ng municipal ordinance ang pagtitinda sa gilid ng kalsada at bangketa. Kasama sa parusa ang pagkumpiska sa paninda.

