Natagpuan ng U.S. National Transportation Safety Board (NTSB) ang flight data recorder at cockpit voice recorder, na tinatawag ding black boxes, ng Amazon Prime Air cargo plane na nag-overshoot sa runway at bumagsak habang lumalapag sa Miami International Airport nitong Linggo, Setyembre 6.
Dinala na ang mga black box sa NTSB headquarters sa Washington para sa karagdagang pagsusuri.
Ayon sa NTSB, limang tao ang nasawi, habang nakaligtas ang piloto at co-pilot ngunit hindi pa nakukuhanan ng pahayag.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente, kabilang ang posibleng epekto ng kawalan ng Engineered Materials Arresting System (EMAS) sa runway.
📷: Reuters

