Arestado ang dalawang lalaki sa anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Kataasan, Dinalupihan, Bataan.
Nakipagtransaksyon umano ang mga suspek sa isang police poseur-buyer kapalit ng ₱500 at isang sachet ng hinihinalang shabu. Narekober din sa kanila ang walong iba pang sachet ng hinihinalang shabu.
Ayon sa pulisya, dati nang nahuli sa drug-related case ang isa sa mga suspek.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
📷: Larry Biscocho


