Nahuli ang dalawang babae sa Lipa City, Batangas matapos umanong magpanggap na hepe ng pulisya at piskal upang makapanghingi ng pera sa isang lalaki gamit ang pekeng subpoena at reklamong rape.
Una nang nakapagbigay ang biktima ng ₱100,000 bago muling takutin at hingan ng karagdagang ₱110,000 bilang umano’y settlement. Nang beripikahin, lumabas na peke ang subpoena at walang record ng reklamong rape ang lalaki.
Sa isinagawang entrapment operation, agad na inaresto ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money sa isang convenience store.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga ito.
📷: Lipa CCPS
📷: Martin Banaag


