Inihahanda ng administrasyon ang ₱197.3 bilyong budget para sa rail infrastructure sa 2027 bilang bahagi ng mga hakbang na palakasin ang public transportation at mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kabilang sa panukalang pondo ang ₱123.84 bilyon para sa North-South Commuter Railway (NSCR) na mag-uugnay sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, at Laguna.
Nakalaan din ang ₱67.44 bilyon para sa Phase 1 ng Metro Manila Subway Project, ₱1.17 bilyon para sa LRT-1 Cavite Extension, ₱1.94 bilyon para sa MRT-3 rehabilitation, at ₱603 milyon para sa LRT-1 South Extension Project.
📷: PNA


