Walang nakalaang pondo para sa hiring ng mga bagong guro sa Department of Education (DepEd) sa 2027, ayon kay Education Secretary Sonny Angara sa pagdinig ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay Angara, nasa 14,274 ang kakulangan sa mga guro na mangangailangan ng humigit-kumulang ₱4.29 bilyon. Gayunman, sinabi niyang nakapag-hire ang DepEd ngayong taon ng 32,000 bagong guro, mas mataas sa karaniwang 20,000 taunang hiring.
Samantala, may backlog din sa promotion ng mga kwalipikadong guro at school heads, kung saan nasa 100,000 pa umano ang naghihintay ng available na pondo.
📷: PNA


