SENSITIBONG BALITA.
Nasugatan ang isang 15-anyos na Grade 8 student matapos siyang saksakin sa leeg at tiyan ng isang 18-anyos na Grade 11 student sa loob ng Buayan National High School sa General Santos City noong Lunes, Setyembre 7.
Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang estudyante na nauwi sa pananaksak. Agad na dinala sa ospital ang biktima, habang napasuko naman ng mga guro at security guard ang suspek at itinurn-over sa pulisya.
Nagpadala ang lokal na pamahalaan ng mga social worker at psychologist upang tulungan ang biktima at ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Ely Dumaboc

