Inisyuhan ng Sandiganbayan Third Division ng warrant of arrest si dating House Speaker Martin Romualdez at tatlo pang akusado kaugnay ng P7.44-bilyong plunder case na isinampa ng Ombudsman.
Kasama sa mga inisyuhan ng warrant sina dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, staff member na si Jocelyn Tragua Sereño, at money changer na si Felicito Cristobal Guevarra.
Ayon sa Ombudsman, sangkot umano ang mga ito sa pagtanggap at paggamit ng kickbacks at iba pang financial benefits na konektado sa mga proyekto ng gobyerno mula 2022 hanggang 2025.
Naabutan kahapon, Setyembre 8, si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan matapos siyang ma-confine dahil sa umano’y cardiovascular event, unstable blood pressure at anxiety attack.
📸: CIDG NCR



