Idineklara ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang leptospirosis epidemic matapos tumaas sa 3.48% ang mga nagkasakit kasunod ng mga pagbaha.
Sa pinakahuling ulat ng Manila Health Department, umabot sa 982 ang naitalang kaso mula noong Enero 1 hanggang noong Setyembre 7.
Dahil sa pagdagsa ng mga pasyente, umabot na sa full capacity ang ilang district hospital, kabilang ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital, at Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Pinalalakas naman ng lokal na pamahalaan ang kampanya laban sa leptospirosis, tulad ng information drive at libreng doxycycline para sa mga na-expose sa baha.



