Nagulat ang mga awtoridad nang matagpuang buhay ang dalawang hydropower workers matapos ma-trap ng siyam na araw sa loob ng isang tunnel sa Upper Trishuli 3A Hydropower Station sa Nepal.
Nakulong sila dahil sa flash flood at landslide noong Agosto 26. Ayon sa ulat, nakaligtas sila sa isang air-filled chamber.
Natagpuan ng mga rescuer ang mga biktima nang makarinig ng ingay at makakita ng kamay sa gitna ng putik at debris. Pareho silang hindi makatayo nang mailabas sa tunnel at agad na isinugod sa ospital.
📸: Reuters


