"KANG KON" NG NORTH KOREA
Ibinida ni North Korean leader Kim Jong Un na magiging bahagi ng nuclear response system ng kaniyang bansa ang bagong 5,000-ton-class destroyer na “Kang Kon” na kayang maglunsad ng “annihilating retaliatory strikes.”
Hindi tinukoy ng state media kung may dalang nuclear weapons ang barko.
Inihayag ni Kim na magpapatuloy ang pagpapalakas ng kanilang navy, kabilang ang pagtatayo ng mga naval base at pagbuo ng iba’t ibang klase ng warship.
📷: Reuters

