Nakatakdang i-raffle ngayong hapon, Setyembre 7, ang kaso sa Sandiganbayan laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at dalawang iba pa, para matukoy kung aling dibisyon ang hahawak at didinig sa kaso laban sa mga akusado.
Ang kaso ay inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa kontrobersiya sa mga flood control project ng gobyerno. Patuloy namang itinatanggi ni Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya. | via Tjay Mendoza

