Sinabi ni Vice President Sara Duterte na noong 2024 pa lamang ay nakatanggap na siya ng impormasyon tungkol sa umano’y mga plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa kaniya, gayundin sa pag-aresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay VP Sara, ipinaalam niya noon kay dating AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang kaniyang kahilingan na protektahan ang kaniyang ina at mga anak at huwag silang idamay sa anumang gagawin laban sa kaniya.
📷: Inday Sara Duterte


