Tiniyak ng Malacañang na hindi gagamitin ng administrasyon ang Philippine National Police (PNP) para saktan si Vice President Sara Duterte o ang kaniyang mga tagasuporta.
Iginiit ng Palasyo na tungkulin lamang ng PNP na ipatupad ang batas nang walang kinikilingan o halong pulitika.
Kasunod ito ng pahayag ni Duterte na nangangamba siya para sa kaniyang buhay at hindi nagtitiwala sa pulisya, korte, at maging sa security team na nakatalaga sa kaniya.
Matatandaang humarap ang bise presidente sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) noong Sabado, Setyembre 5, kaugnay ng tatlong kaso ng grave threats. Agad naman siyang nag-post ng kabuuang ₱360,000 bail para sa mga kaso.


