Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na nagsampa na ang kanyang tanggapan ng kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Remulla, nasa ₱7.4 bilyon ang halaga ng umano’y sangkot sa iba’t ibang transaksyon na bahagi ng kasong isinampa laban sa dating House Speaker.
“Ayaw naming magsampa ng kaso na hilaw,” pahayag ni Remulla, na binigyang-diin ang paghahanda ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso. | via Tjay Mendoza

