Umabot sa 12,029 examinees ang kumuha ng 2026 Bar Examinations nitong Linggo, Setyembre 6, ayon sa Korte Suprema.
Karamihan sa mga examinees ay mga babae, na nasa 6,773, habang 5,256 naman ang lalaki.
Sa datos ng ahensya, ang pinakabata ay 24 taong gulang at ang pinakamatanda ay 84. Kabilang din sa mga kumuha ng pagsusulit ang 304 persons with disabilities at 285 senior citizens.
Magpapatuloy ang mga pagsusulit sa Setyembre 6, 9, at 13 sa 15 testing center sa buong bansa.
📷: Supreme Court


