Sat, Sep 5Saturday, September 5, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    Weng Dela Fuente

    Weng Dela Fuente

    Columnist · NET25

    Hagupit ng kalikasan

    Matindi ang epekto ng magkakasunod na bagyo at Habagat sa bansa, lalo na sa Central Luzon, habang ang mga katiwalian sa flood control projects ay lalong nagpalala sa pagbaha, na mistulang kalikasan na ang naniningil.

    September 05, 20262 min read

    Habang patuloy sa pagtatagisan ng galing ang mga abugado ng Prosekusyon at Depensa, gayundin ng mga Senator-Judges sa Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte, patuloy namang nagdurusa ang maraming kababayan natin sa epekto ng magkakasunod na bagyo na pinalakas pa ng Southwest Monsoon o Habagat.

    Bagama’t humupa na ang pag-ulan sa ilang lugar sa Luzon, ilang mga lalawigan pa rin ang nakararanas ng mga pag-ulan, nananatili pa rin ang pinsalang iniwan ng halos tatlong linggong sunud-sunod na malalakas na pag-ulan.

    Hanggang nitong Setyembre 2, 2026, umabot na sa 9.4 na milyong indibidwal ang naapektuhan ng magkakasabay na mga bagyo at Habagat. Nasa 39 ang pinakahuling tala ng nasawi dahil sa landslide, electrocution at pagkalunod dahil sa pagbaha.

    Aabot sa 178 lugar at lalawigan sa bansa, karamihan ay sa Luzon, ang nagdeklara ng state of calamity, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Nasa P6.27 billion ang pinsalang idinulot ng kalamidad sa imprastraktura habang aabot sa P2.84 billion naman ang nasira sa mga pananim, pangisdaan at livestock.

    Dahil sa matinding epekto ng mga kalamidad, libu-libong mga pamilya ang inilikas sa mga evacuation center.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Sa tuwing tag-ulan, hindi na bagong eksena ang pagbaha. Ang malalakas na pag-ulan at dami ng ibinubuhos na ulan ay pinaniniwalaan ng mga eksperto na epekto na ng climate change.

    Pero climate change ang pinakamadaling alibi para pagtakpan ang kapalpakan ng pamahalaan na protektahan ang mga mamamayan laban sa hagupit ng kalikasan.

    Aminado ang administrasyon na mayroong flood control master plan ang bansa ngunit hindi ito naipatupad sa ilang taong lumipas. Taun-taon ay nagiging problema ng bansa ang pagbaha, pero ngayon lang pasisimulan ang implementasyon ng proyekto.

    Sa laki ng perang inilaan ng bawat administrasyon sa walang katapusang flood control projects, nakalulungkot na pahirap pa rin ang patuloy na nararanasan ng maraming Pilipino.

    Hindi naman ito nakapagtataka dahil ang malaking halaga na para sa flood control projects ay napunta sa bulsa ng mga contractors, mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga mambabatas na sa halip maging bantay ng publiko ay nagsamantala pa para maibulsa ang pondo ng gobyerno.

    Sa nararanasang hagupit ng mga kalamidad, mistulang kalikasan na ang humihingi ng katarungan. Hindi ba’t napapanahon na para papanagutin din ang mga taong nagsamantala kaya nasadlak ang bansa sa ganitong kalagayan?

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    Weng Dela Fuente

    Weng Dela Fuente

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Weng →

    Keep reading

    Next columnOuter space ambitions with a nation still bufferingBy Rikki MathayClasses stop. Internet fails. Bills continue. Children fall behind. But sure—let’s launch a rocket.→

    More from Weng

    SOCIAL MEDIA BANAug 27→Dagat ng basuraAug 15→Interes ng obrero o ng negosyo?Aug 11→

    More voices in Opinion

    Mataas na tore: Lusot sa busway, lusot sa batas?Misael Dungca III·Sep 03→Walang planoCaesar Vallejos·Sep 01→
    ←NET25 Opinion