Matapos makapagpiyansa si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong grave threats, nagsalita siya tungkol sa naging pagpasok niya sa sasakyan matapos ang kaniyang pagharap sa Quezon City Regional Trial Court ngayong Sabado, Setyembre 5.
Aniya:
“So katulad ng ginawa natin kanina, merong mauuna at nasa likod ko para makapasok ako sa sasakyan.”
Nagpasalamat din si VP Sara sa mga media na sumama at nag-cover sa kaniyang pagharap sa korte, na aniya ay nagbibigay-daan upang marinig ng publiko ang nangyayari sa kaniyang kaso.
“Nagpapasalamat ako sa media dahil sa mga lens niyo at sa mga microphone niyo, naririnig ng taong-bayan kung gaano kagarapal ang gobyerno natin ngayon.”
📷: Inday Sara Duterte/FB



