Sat, Sep 5Saturday, September 5, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    NET25/News Update/Arrest warrant laban kay VP Duterte, inalis na matapos makapagpiyansa
    National News

    Arrest warrant laban kay VP Duterte, inalis na matapos makapagpiyansa

    Inalis na ng QC RTC Branch 98 ang warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte matapos siyang personal na humarap sa korte at makapagpiyansa.

    September 05, 2026 3:30 pm
    Arrest warrant laban kay VP Duterte, inalis na matapos makapagpiyansa

    Inalis na ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 ang arrest warrant na inilabas laban kay Vice President Sara Duterte matapos itong personal na humarap sa korte at maghain ng piyansa ngayong Sabado, Setyembre 5, 2026.

     

    Ipinakita ni Atty. Paul Lawrence Lim, isa sa mga legal counsel ng Bise, ang opisyal na lifting order mula sa korte na nagpapatunay na void o nawalan na ng bisa ang warrant of arrest laban sa kaniyang kliyente.

     

    Ayon sa dokumento ng RTC, nagbayad ang Bise ng kabuuang ₱360,000 bilang piyansa—na nagkakahalagang ₱120,000 sa bawat isa sa tatlong count ng kasong grave threats na isinampa laban sa kaniya.

     

    Binigyang-diin ng kampo ng Bise na pormal silang sumunod sa proseso ng batas. Ayon kay Atty. Lim, bagamat may mga legal na katanungan pa rin ang kanilang kampo ukol sa hurisdiksyon ng korte sa isang nakaupong opisyal na may impeachment immunity, pumasok at humarap pa rin si VP Sara upang patunayan na wala itong intensyong takasan ang hustisya.

     

    Matatandaang ipinalabas ng QC RTC Branch 98 ang warrant of arrest noong Biyernes, Setyembre 4, matapos makakita ng probable cause ang korte sa mga paratang na isinampa ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI).

     

    Kinondena naman ng PDP-LABAN ang administrasyong Marcos sa diumano'y paggamit ng mga ahensya ng gobyerno para gipitin ang mga nasa lehitimong oposisyon.

     

    Giit ng partido, naglalagay umano ang pamahalaan ng mga opisyal na matapat sa kanila sa mahahalagang posisyon sa gobyerno para gamitin laban sa mga kumokontra sa umano'y korapsyong nagmumula mismo sa Palasyo.

     

    “The blatant attempt to decimate the political Opposition is disingenuous yet obvious: appoint people beholden to the present administration to key positions in government agencies, and use these agencies as weapons of mass harassment against those who dare oppose the prevailing corruption masterminded by the Palace,” pahayag ng partido.

    National News
    • VP Sara Duterte: “Sa taumbayan na lang ako may tiwala”
      National NewsSep 05, 2026 12:40 pm
      VP Sara Duterte: “Sa taumbayan na lang ako may tiwala”
    • VP Sara humarap sa QC court matapos ang warrant of arrest: 'I do not feel safe'
      National NewsSep 05, 2026 12:30 pm
      VP Sara humarap sa QC court matapos ang warrant of arrest: 'I do not feel safe'
    • 4.4-magnitude earthquake strikes Zambales
      National NewsSep 04, 2026 11:30 pm
      4.4-magnitude earthquake strikes Zambales
    • Heavy rainfall expected as monsoon continues to affect Luzon, Visayas
      National NewsSep 04, 2026 11:15 pm
      Heavy rainfall expected as monsoon continues to affect Luzon, Visayas
    • National NewsSep 04, 2026 7:20 pm
      Bayanihan sa kabila ng matinding baha sa Calasiao, Pangasinan
    • National NewsSep 04, 2026 6:05 pm
      Abot-hita na ang baha sa Minalin, Pampanga
    • ₱6.8M shabu, nasamsam sa Batangas
      National NewsSep 04, 2026 5:50 pm
      ₱6.8M shabu, nasamsam sa Batangas
    • Kalsada sa Minalin, winasak ng ulan
      National NewsSep 04, 2026 5:40 pm
      Kalsada sa Minalin, winasak ng ulan
    • National NewsSep 04, 2026 5:30 pm
      QC Court Naglabas ng Arrest Warrant Laban kay VP Sara Duterte
    • EnvironmentSep 04, 2026 5:22 pm
      Marilaque Highway sa Baras, Rizal, sarado dahil sa landslide
    • Marcoleta, pinayagang lumabas para sa medical checkup sa Setyembre 7
      National NewsSep 04, 2026 5:19 pm
      Marcoleta, pinayagang lumabas para sa medical checkup sa Setyembre 7
    • Chinese survey ship, namataan sa Bajo de Masinloc
      InternationalSep 04, 2026 5:14 pm
      Chinese survey ship, namataan sa Bajo de Masinloc
    • 15-anyos na suspek sa pamamaril sa Tacloban school, sinampahan ng 10 kaso
      ProvincialSep 04, 2026 5:08 pm
      15-anyos na suspek sa pamamaril sa Tacloban school, sinampahan ng 10 kaso
    • Dead Sea, unti-unti na nga bang lumiliit? | ASPN
      EnvironmentSep 04, 2026 5:00 pm
      Dead Sea, unti-unti na nga bang lumiliit? | ASPN
    • Anti-Fencing Law: Sino ang mananagot? | ASPN
      News ProgramsSep 04, 2026 4:00 pm
      Anti-Fencing Law: Sino ang mananagot? | ASPN
    • Alex Eala, umusad sa third round ng US Open
      SportsSep 04, 2026 1:07 pm
      Alex Eala, umusad sa third round ng US Open
    • Road papuntang Minalin, Pampanga, nasira dahil sa malakas na ulan
      ProvincialSep 04, 2026 1:05 pm
      Road papuntang Minalin, Pampanga, nasira dahil sa malakas na ulan
    • Mindanao grid placed under red, yellow alerts on Friday
      National NewsSep 04, 2026 12:45 pm
      Mindanao grid placed under red, yellow alerts on Friday
    • NBI, nagsampa ng reklamo laban sa 9 kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo athletes
      SportsSep 04, 2026 12:20 pm
      NBI, nagsampa ng reklamo laban sa 9 kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo athletes
    Top Stories
    1. 1
      Lifting order ni VP Sara
      Sep 05, 2026 2:50 pm
    2. 2
      PDP-LABAN: Marcos Admin, ginagamit ang mga ahensya ng gobyerno para mang-gipit
      Sep 05, 2026 2:10 pm
    3. 3
      VP Sara, niyakap ang tagasuporta matapos makapagpiyansa
      Sep 05, 2026 2:00 pm
    4. 4
      VP Sara nakapagpiyansa na
      Sep 05, 2026 1:45 pm
    5. 5
      Sara Duterte, itinuring nang sumuko sa mga awtoridad; nagpiyansa sa QC RTC
      Sep 05, 2026 1:16 pm
    6. 6
      Chavit Singson Dumating sa Quezon City RTC
      Sep 05, 2026 12:55 pm
    BFP Chief Jesus Fernandez, tinanggal sa puwesto dahil sa graft at bribery case
    BFP Chief Jesus Fernandez, tinanggal sa puwesto dahil sa graft at bribery case
    Sep 04 2026 12:18 pm
    Ombudsman, bubuo ng special team para imbestigahan ang korapsyon sa garbage contracts
    Ombudsman, bubuo ng special team para imbestigahan ang korapsyon sa garbage contracts
    Sep 04 2026 12:17 pm
    PAGASA: Mataas na tubig sa Manila Bay, nakadagdag sa pagbaha sa Pampanga
    PAGASA: Mataas na tubig sa Manila Bay, nakadagdag sa pagbaha sa Pampanga
    Sep 04 2026 12:13 pm