Tinanggal sa puwesto si Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Jesus Fernandez na nahaharap sa kasong graft at bribery kaugnay ng pagbili ng 132 ambulansya na nagkakahalaga ng ₱485 milyon.
Ayon sa Office of the Ombudsman, tumanggap umano si Fernandez ng ₱14.7 milyon mula sa kinatawan ng joint venture ng Toyota Mabolo at Autozone Prime Distributors Inc., na nakakuha ng kontrata para sa proyekto.
Nahaharap si Fernandez sa two counts ng indirect bribery at two counts ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.



