Matinding flash flood ang nararanasan sa Toronto at Greater Toronto Area, Canada matapos ang malakas na bagyo.
Ayon sa mga awtoridad, ilang pangunahing kalsada ang binaha at hindi passable gaya ng Don Valley Parkway, Lake Shore Boulevard, Gardiner Expressway, at bahagi ng Highway 401.
Marami ang stranded na mga motorista at libu-libong residente ang nawalan ng kuryente, habang nakaranas ng malalaking pagkaantala ang public transportation.
📹: RT News


